Armando

Maraming tao ng naniniwala sa happy endings; sa mga fairy tales, sa Disney Movies at sa mga happy- afters. Pero ako iba! Ako yung tipong simple lang, hindi pa-lovers; yung inienjoy lang yung buhay. Pero lahat ay nagbago nang isang araw…

Habang ako ay nag-sho-shopping, naagaw ang aking atensyon nang makita ko ang isang nilikhang kaakit-akit, sa unang tingin pa lamang ay talagang naangkin na niya ang aking puso, ‘hala! na-love-at-first-sight ata ako?’ bulong ng aking isipan. Pero ngtataka ako, bakit ngyari yun ng ganun kabilis? pero tulad  nga ng Globe, ” lahat ay posible.”

Sa oras ding yun, nahalina ang aking kaluluwa–lumapit at ngumiti, inangkin ang puso ko ng ganun kadali. Matapos ang mga segundo, minuto at oras, hindi ko napansin puso ko’y bihag na niya.

Sa mga oras ng aming pagsasama puso ko’y tunay na sumaya, nagkaroon ng bagong kulay ang mundo kong matamlay.

Sa bawat araw pang dumarating na siya ay kapiling parang ako nasa Cloud 9.

Sa oras ng kaligayahan, ngiti at tawa ko’y kanyang namamasdan, naririnig niya ang bawat halakahak, sa bawat pagdampi niya sa aking mukha bagong ligaya ang nakikita, gayundin sa pait ng buhay, siya’y nakakasama pumapawi sa aking mga luha, sumasalo sa aking kalungkutan.

Buhay ako ngayon ay nasa tuktok ng ligaya ngayong kapiling siya. Buhay ay kay saya. Tuwang hindi maipaliwanag sa akin, kahit ako’y masya na, ako parin  ay nagtataka, mga oras na pagsasama, sandaling ligaya, sa tagal na kapiling siya, hanggang ngayon, di parin batid pangalan niya.

Sa tagal na ng pagsasama alam na niya ko paboritong kong pabango, maging face powder at detergent soap alam din niya. Maging sa exams lagi siyang kasama, kinukubli ang aking kasagutan, nagsisilbi siyang taga-pawi ng luha at pawis.

Istruktura ng aking mukha kanyang alam na alam.

Pagkatapos ng lahat ng alaala, ako’y iniwan niya. Nagulat ako’y iniwan niya. Nagulat na lang ako,. kapitbahay ko na ang kapiling niya. Ako’y nagalit  at nagselos ngunit wala na akong magagawa pa, siya na ang kanyang piniling mahalin.

Aking nalaman na inagaw at kinuha pala siya ng kapitbahay ko sa aking sampayan.

Tinungo ko siyang palaban ngunit siya ay napunit at nagutay-gutay nagyon ko lang napansin Armando pala kanyang pangalan.

Ako’y nanghihinayang bakit ngayon ko lang nalaman nagyong wala na siya at hindi na kailan ay magiging akin.

Paalam na aking sinta. Salammat sa alaala. SAna sa kanya ika’y sumaya kahit ika’y gutay-gutay na.

-COXImage

Advertisements

About coxcastillo

Things may get tougher each day but here I am standing still enduring. View all posts by coxcastillo

5 responses to “Armando

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: